OPM
Group for Original Pinoy Music LOCAL Filipino music & artist
43 members · 159 plays · 10 tracks
Join
About this group
OPM
Group for Original Pinoy Music LOCAL Filipino music & artist
Join
159 plays
10 tracks
1/50
Processing new audio file...
1 FIRE
SAVE
SHARE
19 plays
Report inappropriate
Dalamhati
Biko - Dalamhati Spotify link https://open.spotify.com/album/28eVlb... Written by Biko https://www.facebook.com/bikobikobiko00/ Performed by Biko https://www.facebook.com/bikobikobiko00/ Produced by Akigami beats https://www.facebook.com/akigamibeats https://www.youtube.com/c/AkigamiBeats https://open.spotify.com/artist/5i4Dk... Recorded at J-Lhutz studio https://www.youtube.com/watch?v=ZvKnS... Mixed and mastered by J-Lhutz https://www.youtube.com/watch?v=ZvKnS... Cover art by Sheyn Shane https://www.facebook.com/sheyn.shane.39 Lyric Video by Biko Soundcloud https://soundcloud.com/biko-biko-7480... (Lyrics) (Intro) Hindi ko hiniling na kahit minsan may mangyari sa iyong masama Kaso lang, ako rin pala ang siyang makaggagawa ‘Yong ayokong maging ay siyang naging ako Kung kaya’t naabot ko ang iyong pinanghuhugutan May karapatan kang ako ay kasuklaman Malaya ka, na iyan ay maramdaman Habang ako, buong buhay na itong maninirahan Gumawa man ng kabutihan, napakalabo nang mapaniwalaan (Chorus) Pinakain ka sa mesa, nakitagay ng serbesa Walang bayad makilamon, kung kaya’t ba’t ganon? No'ng pagkabusog naging litaw, saka na lang mga tugon Sa pagkaing aking inihain daw may lason? Pinakain ka sa mesa, nakitagay ng serbesa Walang bayad makilamon, kung kaya’t ba’t ganon? No'ng pagkabusog naging litaw, saka na lang mga tugon Sa pagkaing aking inihain daw may lason? (Verse 1) Oo na, naririnig kita, 'wag mo na akong sisigawan Palibhasa nga pala, mag-iingay na nga naman Dahilan kaya ganiyan, wala kasing mga laman Nauubos na Kakabuhos sa nakaraan Kung saan naiba ko ro’n, pagkatao na nagampanan, sa mga kaisipan Buhat no’ng ako ay nadapa’t Mga putik na kayo natalsikan Pagkapalya ko nasaksihan Kung kaya, pasensya sa abala na dala Ang pangalan ko na lang pakitala ‘Yong tumulak kasi sa 'kin ay nawawala Ako na umaako kahit ‘di ako ang dapat sumalo ng binato Oo nga’t hanggang ngayon 'Di natutuwa, no’ng tinalo Pero tama na, tanggap ko na Kaya pa nga ay lumayo Naglayag ako, kahit na binabagyo Huwag mo nang habulin At ako’y wala na nga sa buhay mo (Chorus) Pinakain ka sa mesa, Nakitagay ng serbesa Walang bayad makilamon, Kung kaya’t ba’t ganon Noong pagkabusog naging litaw, saka na lang mga tugon Sa pagkaing aking inihain daw may lason? Pinakain ka sa mesa, Nakitagay ng serbesa Walang bayad makilamon, Kung kaya’t ba’t ganon Noong pagkabusog naging litaw, saka na lang mga tugon Sa pagkaing aking inihain daw may lason? (Verse 2) Sa tagpuan natin bakit pa maglalagi? Alaala lamang na mga hati-hati ang natira Ang akala ko lahat ng bagay dadali Hindi pala! ‘Yong nasimulan sa pagkaway Nagtatapos sa pagtalikod Ang kasama sa pag-ikot na sa dulo ay kaaway Sasamahan daw sa lakad, ba't kayo nangtisod? Ang maging saksakan lang nila naging gampanin ng likod 'Di ko nararamdaman, dulot ng himas at tapik na meron daw sasandalan Mga bulungan na naririnig Pinagsigawan na naging laro ako Tanging kasiyahan lang na kapag ako’y umaaray dapat masilayan ba? Naggawan pa man kita ng mga mali Hindi ko yun sadya, nagsisisi na Pero naggawan mo rin ako ‘di ba Kaso pagganti, ‘di na nagtangka ‘Di magpapanggap, tayo lang kasi ay iisa (Bridge) Tama bang ibato ang nakaraan para manira ng kasalukuyan Oo, marami akong naggawang ‘di tama Pero sapat na ba iyon para hilingin ang aking pagkawala? Malimutan ang mga kabutihang tinatangi na sa iyo rin ay nagpangiti? Kung ganoon dapat muna rin natin tignan nang ilang libong ulit ang sarili Pareho tayong may mga maling napili Kung kaya’t gaano man kasaya ang noon, ayoko nang bumalik sa dati Ganoon pa man, mag-iingat ka pa rin palagi (Outro) Salamat sa pinagsaluhan na mga piging Kapayapaan na ang aking naging hiling Malabong sumalubong kung ako’y kumanan at ika’y kumaliwa Paalam na, habang ang mata’y nagluluha Tunay talaga mga naramdamang saya Hindi rin isinusumbat lahat ng nataya Kaso tama na, mga kadenang dapat ko nang kalagan Pakiusap lang, para ‘di na tayo masaktan Salamat sa pinagsaluhan na mga piging Kapayapaan na ang aking naging hiling Malabong sumalubong kung ako’y kumanan at ika’y kumaliwa Paalam na, habang ang mata’y nagluluha Tunay talaga mga naramdamang saya Hindi rin isinusumbat lahat ng nataya Kaso tama na, mga kadenang dapat ko nang kalagan Pakiusap lang, para ‘di na tayo masaktan #Biko #Dalamhati #Akigamibeatsmore
Timed  ▼Newest
▼Timed   Newest
Show more comments
1/50
Processing new audio file...
FIRE
SAVE
SHARE
10 plays
Report inappropriate
Pagkabusog
Biko - Pagkabusog ft. Shaheen and Zend Luke Spotify link https://open.spotify.com/album/0LqT5P... Written by Biko and @Zend Luke Abrea https://www.facebook.com/bikobikobiko00/ https://www.facebook.com/zendlukethen... Performed by Biko, Shaheen, and @Zend Luke Abrea https://www.facebook.com/bikobikobiko00/ https://www.facebook.com/shaheen.frig... https://www.facebook.com/zendlukethen... Produced by @CarlNationMusic Official https://www.facebook.com/carlnationmu... Recorded at @J-Lhutz studio https://www.youtube.com/watch?v=ZvKnS... Mixed and mastered by @J-Lhutz https://www.youtube.com/watch?v=ZvKnS... Cover art by Sheyn Shane https://www.facebook.com/sheyn.shane.39 Lyric Video by Biko Soundcloud https://soundcloud.com/biko-biko-7480... Special thanks to @Dyurj (Lyrics) (Verse 1) Magsasawa ata talaga pagdating ng panahon Hindi pa nga lang maiwanan, turing ko na aso sa paghahabol At damang sarap sa kada pagharap ng likuran sa akin Kaso nga lang ay gano'n na rin, kagustuhang siya'y matalikuran Tao lang ako na malala ang pagkabato Sa tigas ng ibon kong dumapo sa ibang sanga Pagkatapos nga siyang maiputan, Malabong kalituhan, kung kaya’t napagplanuhan 'di na nga magkaamuyan Na sa ‘pag kabiyak, mawawasak? Sa mga siwang dapat maamoy Bahong nakatago na ang dating gana ko’y naglalaho Gusto ko na magpakalayo Dapat na 'kong maglakbay Titira na sa iba na bahay, Bata nga’y matatabunan kung hindi na nga lang tatayong haligi At makatatakas na kung patay na ang ilaw ng tahanan (Chorus) Mababasa'y iba na kabanata ngayon Sa pagkaulol mo nga’y, mga lawa’y nagkaron Pinadaloy mula sa ‘king kabundukan, parang ilog Mamangka na sa agos, o aking irog (Verse 2) May bundok na ngang bago na namang kakaingin Mangunguha ng panggatong ngang gagamitin Pangahas nga dapat, kaya nakagat Makamandag nakatarak, nakahanap ng matutuklaw Lason kumakalat, ang gamot paturok daw Init sa loob, kayang magpabaga ng kahoy na nasibak Ulam na nasalang sa mga apoy, nagliyab Aking nadama'y, gubat nga natupok, kada pagkasunog, Mga kasunod panunuyo ng lupa’t, Mga patabang nabubuo, pero bakit nalasahan? Bago na laman, lupa ang tigang Dapat na madiligan Kayang makabuhay pero ‘di na dapat taniman Kung hindi rin aanihin, hindi rin aaminin Maninira lang, 'di na dapat na gawan Paghangad ng karagdagang katawan Una nga na napusuan, nautakan lang (Chorus) Mababasa'y iba na kabanata ngayon Sa pagkaulol mo nga’y, mga lawa’y nagkaron Pinadaloy mula sa ‘king kabundukan, parang ilog Mamangka na sa agos, o aking irog (Bridge) Impyerno ba ito? Nawa ako'y matuto na Sa sobrang init, nasunog pati aking kaluluwa Humiga siya sa kama, sabi "Lukas, Lukas!" Bukaka na agad, walang hugas, hugas At biglaang niyapos, ang babae sobrang libog Maalindog ngunit ako ay 'di niya mapaikot Habang tumatagal lumalala lang ang kilig Bakit mas dumidiin ang kagat mo sa aking leeg? Bumaon ang kaniyang pangil, mayro'ng sugat! Diyos ko po! 'Kala ko birhen, bakit sa akin galing 'yong dugo? Bituka, atay, apdo, balunbalunan malamang Doon ka nagutom at 'yon ang tawag ng laman Walang lihim na pag-ibig pero bakit ganito Sa kaniya lumalabas lahat ng mga nasa loob ko? Sa ‘king pagkawala, may samot-saring komentaryo Baka bukas, ulo ko'y nakapaskil sa obituwaryo (3rd verse) Kaya pala… Gusto mo malaman ang aking loob Husto kong naramdaman, may maling kutob Talambuhay gagawing buod, talampunay ka, ako naman bubuyog Pinakain ng laman, naghanap pa ng dugo! ‘Di pa raw puno, kalamnan! Nangahas na magloko ay naloko rin sa kalaguyo Kagustuhang makatusok, sa pusok ako rin nalubog Napala sa pagkatuso ‘to, pagkadukot nga sa puso ko! (Outro) No’ng ginapang ka’y siya ‘yong tinakbuhan Patikim ng 'yong laman Subo sa ‘kin nang maramdaman Bituka ko'y iyong maaabot Maipasok ka, sa ‘king loob No’ng ginapang ka’y siya ‘yong tinakbuhan Patikim ng 'yong laman Subo sa ‘kin nang maramdaman Bituka ko'y iyong maaabot Maipasok ka, sa ‘king loob #Biko #Shaheen #ZendLukemore
Timed  ▼Newest
▼Timed   Newest
Show more comments
1/50
Processing new audio file...
FIRE
SAVE
SHARE
8 plays
Report inappropriate
Tiwalag
Biko - Tiwalag Spotify link https://open.spotify.com/album/3STznJ... Written by Biko https://www.facebook.com/bikobikobiko00/ Performed by Biko https://www.facebook.com/bikobikobiko00/ Additional vocals by Gdan Aliboso https://www.facebook.com/gdan.aliboso Produced by Tatz Maven https://www.facebook.com/tatzmaven https://www.youtube.com/c/TatzMaven Recorded at J-Lhutz studio https://www.youtube.com/watch?v=ZvKnS... Mixed and mastered by J-Lhutz https://www.youtube.com/watch?v=ZvKnS... Cover art by Sheyn Shane https://www.facebook.com/sheyn.shane.39 Lyric Video by Biko Soundcloud https://soundcloud.com/biko-biko-7480... (Lyrics) Sino mang tumiwalag Simulan nang lumipad Palala nang palala mga nagaganap Aba maawa ka naman Ang pagkakalat katangahan ay laganap Mula sa pagkabata bakit ata daming ‘pinalalanghap galing sa isang aklat ‘pag sinusuway ‘di ka raw nila tanggap Kaya tanong ko lang, sino ba ‘yong nagsulat? Hindi naman nila ako masagot nang klaro Sa mga nilalaman pa nga ‘di malinaw pa’no At mukhang malabong malinawan kung mga kinatawan, sinaulo lang Kanilang mga alam ay pinasa’t pinanindigan na lang Sa mga dala-dalang panayam kuno Pano po ba ‘yan nabuo? Sino nga ba sugo Kung higit apat na libo at tatlong daan ang mga pagpipilian Ay, aba’t nahilo’t nalito na mga tao kung ano ang papanindigan Kung kaya’t mag-isip at umalam Aking utak pagkasilip, kumalam bawal ba akong magduda kapag ‘yon na raw kasi kaugalian ng mga nauna Pinamumukha pa nga akong palasabat Hindi pa ba dadapo taranta? Bakit nakandado na sa mga Pagtatago sa pambata na kanta, Talatang binalandra halatang kanilang panata at kung titignan mga mulat kuno nila, grabe mangmata habang binubulag ka pa nga, mala-katarata Kakasawa na, ba’t ka nga ba maaawa? Kanilang malawakang pananaw mga tao rin ang gumawa Para makasakop lang noon, manunuro mga nilalang ‘di raw dapat na saktan Nalimutan na, ginawa sa Mactan? Katutubo ng maling ideya, nagkabunga ng trahedya Bahala na, ‘di na ‘ko maniniwala, mga peke lang hangarin Kung kaya’t naisip kong mas pwede nang maging mahangin Astang lobo na kung gano’n, kaysa tulad ng iba, puro nakain Mga tupa na kayo nakulong sa kahon, dahil nasabihan ng pastol Hanggang d'yan na lamang ang limitasyon Kaya tanong ko lang ‘di ba iba-iba sinasamba? Ba’t ang dami nagsasabi na kapag ‘di ka sumunod may parusa raw hala’t ‘di ka ba magtataka? Paano ‘yan? Masama pala Kada tao sapagkat ang tama ng isa ‘di raw tama sa iba, ‘bang ang tama ng iba ‘di raw tama sa lahat, sinasabi ang lahat ng dapat Ginagamit lang ang takot kung kaya’t talamak mga kurakot, nakalulungkot, bakit dito pa umabot? Ang galing na lumunok ‘pag kahibangan, Hindi pa ba lingid? Mga nalason, tunay ngang Naglabas ng bulaan ang mga bibig Sila raw nautusan bawal nang tumanggi Pwede pakitigil ‘yong pagkakalat ‘la tayong palag kapag ‘yong kalikasan gumanti Mahiya sa mga balat, makinig na muna’t Sana matanggal mga agam-agam sa agham Sinusubo na lahat, ebidensya’t pag-aaral Ba’t ang hanap ay iba pa ngang tama na daan? Kaysa maniwala sa kathang-isip lamang na sa tao rin naman galing yan Sinasabi na mapagbigay, pero ba’t halang sa pera ay kumakamkam? Dahilan, kita raw ang kasalanan kung kaya’t dapat pag-alayan ‘di ba dapat na matandaan, bago natin problemahin kung sa langit nga ba ang punta Ba’t hindi na lang harapin ang problema sa basura Mga dagat na mabaho, mga gubat na nakakalbo Mga hayop naglalaho, kaysa pag-usapan Mga pagtatalo na wala naman mananalo Away-away pa kayo, pare-pareho lang mamiminsala Makaabot ka ngayon nang kwarenta, turing mong gantimpala Pero kahit nga pala na pumanaw ka na bata o gurang ay proseso lang iyan upang maggawa ebolusyon, bilang solusyon na ang pagkawala ng isa ay pagsibol ng iba. #Biko #TatzMaven #Tiwalagmore
Timed  ▼Newest
▼Timed   Newest
Show more comments
Support Center
-
Got questions?

DistroKid News
-
What's new with us

Instagram
-
Watch our 1-minute help videos!

Twitter
-
We tweet things sometimes

Facebook
-
Let's be friends

YouTube
-
More videos, yo.